Sunday, February 14, 2010

Ang Mukha ng Umaga

" Walang sino mang tao ang makakapagbago sa anyo ng kinabukasan, kundi ang taong naghahangad ng mabuting bukas"


"Clue"

Buwan ng Agusto taon ng kasalukuyan. Isang tahimik na umaga ang bumati sa batang manlilimus na si Crispin, walong taon at ang gawain ay magnakaw at manlimos sa daan. Sa pagising niya ay agad niyang aatupagin ang lima niyang kapatid at ang kanyang batugang ama na walang ginawa kundi mag lasing.  Ang ina naman niya ay labandera sa isang mayamang tagapangasiwa ng malaking kumpaniya na pinag-tratrabahuan ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagsisimula ang araw ni Crispin sa daan, namamalimus kahit wala pangkain. Minsan namay nagnanakaw siya ng mga gamit sa ibang tao upang may pangtawid gutom man lamang. Ayaw man niya itong gawin ngunit kapit patalim siya, dahil upang may pang bili ng makain para sa araw-araw niyang pamumuhay. Habang abala sa pagbabanat ng buto si Crispin lage niyang inisip ang kanyang pangarap at makapag-aral ng umahon sa hirap.

Habang naka-stambay sa gilid ng kalye ay kanyang tinitignan ang mga mukha ng mga politikong isinasabit at dinidikit sa mga pader na nalalanta na at nagiging basura nalamang dahil sa hindi pa ito nakuha pagkatapos ng eleksion. Habang tulala ay pinukaw ang kanyang atension ng mga sigawan ng mga taong nagtatakbuhan patungo sa ilog ng Pasig at agad niya itong pinuntahan. Sa pagdating niya biglang bumulanta ang balita na isang bata ang nalunod sa ilog at tatlong oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin mahanap-hanap dahil sa kapal ng basura sa ilog. Habang nagkakagulo ay nagtanong-tanong siya sa mga tao kung sino ang batang nalunod. At nang malaman niyang ang kanyang pinaka-busong kapatid pala iyon, ay agad siyang umuwi at nakita niya ang kanyang inang umiiyak dahil sa insidente nangyari. Kinabukasan ay pinaglalamayan na ang kanyang kapatid at nag-abot ng maliit na tulong ang Presidente ng Pilipinas at agad itong pinag-mayabang sa buong MUNDO ang nagawang TULONG. Matapos ang pangyayari ay PINANUKALA ng Presidente na ipinagbabawal na raw ang tumura sa gilid ng ilog at kung sino ang lalabag ay makukulong nga habang buhay ngunit marami ang tumutol nito sa pagkat hindi naman sinabi ng pangulo kung saan sila LILIPAT ng tirahan. Hindi naging BABALA sa mga tao ang nangyaring yun, datapwat marami ang naghihirap ay dumadami pa ang tumitira sa gilid ng ilog kaya sila Aling Teodora ay lumipat nalang sa ilalim ng tulay dahil napaka-ingay na ng lugar.

Ang nakakatandang babaing kapatid ni Crispin na si Sisa ay umuwi ng pilipinas dahil sa pagmamaltrato ng kanyang amo sa labas at illegal ang gamit na papelis. Kaya naisip ni Crispin na ito pala ang plano ng gobyerno sa pilipinas na maging ALIPIN sa ibang bansa at umuwing LUHAAN. Pagkalipas ng ilang araw ay nagkasakit ang kapatid ni Crispin dahil sa pagkain ng expired na sardenas at agad nila itong dinala sa pribadong hospital, dala-dala ng ina ni Crispin ang isang I.D. na nagpapatunay na siya ay suportado ng pamahalaan at nagbabakasakaling makadeskwento sa bayaran ng hospital. Sa pagdating nila ay hindi agad sila pinansin ng mga taga pangasiwa ng hospital [Nurse, Doctor.]dahil kita sa mga mukha nila na mahihirap sila. Mmabuti nalang ay may isang butihin Doctor ang naka pansin sa kanila at agad silang tinulungan. Tanging ang dala-dalang  I.D. ang ina ni Crispin ang pera nila, ngunit hindi ito tinanggap sapagkat wala daw pundo ang gobeyerno. Mahigit sumpong libu ang kailangan nilang pera. Hindi nila kaya itong bayaran at kahit pa mangutang sila ay wala rin naman silang kautangan,  kaya naisip ng ama ni Crispin ang magnakaw. Sumakay siya ng taxi at agad tinutukan ang driver ng patalim at  hi-hold-up ito, walang magawa ang taxi driver kundi ibigay ang pera sa ama ni Crispin. 8, 545 pesos lamang ang nakuha ng ama ni Crispin kaya may kulang pa na 1, 455 sinubokan niyang mang-holdup sa sumunod na araw ngunit napaghandaan na pala ng mga taxi driver ang ganitong pangyayari kaya nahuli at nakulong ang ama ni Crispin.

Wala na ang kanilang tanging pag-asa kaya nangutang na alang ang ina ni Crispin sa amo niyang babae kapalit ang pagtratrabaho ng kanyang anak na si Sisa na libre. Pumayag naman si Sisa pinautang sila ng pera.
Kanilang nabayaran din ang kulang nila sa hospital at bumalik ang buhay sa dati na matiwasay. Isang hapon pagkatapos maglaro ni Crispin at ang kanyang mga kaibigan, ay nanuod sila ng balita sa TV dun sa mag-asawang Elias at Salome. Napansin ni Crispin na gumagamit ng wikang English ang mga taong nasa balita lalo na sa konseho, hindi nila ito maintidihan kasi hindi sila nakapag-aral ngunit patuloy pa rin silang nanunuod. Kaya naisip ni Crispin na gumagamit ng wikang english ang mga taong nasa konseho o politiko dahil upang gawing mangmang ang mga taong walang pinag-aralan.
Isang araw pagkagising ni Crispin mula pagkatulog ay nakita niyang itinatapon ng ina ang mga supot ng basura kasali na ang kanyang mga laruan. nagalit si Crispin dahil sa mga laruang tinapon sa ilog. Agad siyang tumalon sa ilog at hinanap at mga supot ng laruan. Hinanap niya itong hanggang makarating siya sa ilalim ng tulay. Napansin ni Crispin mahina pala ang pundasyon ng tulay at maaring gumuhu nalang bigla kaya agad siyang umalis doon. Pagbalik niya ng bahay ay may bisita silang dumating. Ang kanyang Tiya Victorina pala na isang mayamang negosyante na kapatid ng kanyang ama na taga mindanao. Pagkalipas ng isang buwan ay uuwina ang kanyang Tiya Doña Victorina kaya humuling siyang sumama nalang sa mindanao at mag-aral. Pumayag naman ang Tiya Doña Victorina ni Crispin kaya masaya siyang nagpaalam sa kanya ina. Sa pag-sakay niya ng barko ay habang pumipila ay napansin ni Crispin na may babaeng pinipilit isakay ang mabibigat na bagahi, kaya lang overloaded na ang barko. Kahit pilit siyang hinarangan ng mga guardya  ay pinipilit pa rin niya ang kanyang delikadong paraan. Habang nagkakagulo inabutan ng babae ng pera ang lalaking nangangasiwa ng barko at pinayagang ikarga ang mga bagahe nito. Ilang araw din ang kanilang biyahe at dumating naman sila ng ligtas. Sa pagdating ni Crispin sa Davao ay masaya siya dahil tahimik at mababait ang mga tao dito.

Ilang taong din ang nakalipas at hindi lubos ma-isip ni Crispin na natapos na niya ang koleheyo. Kaya na-isipan siyang umuwi ng Pasig ngunit nagbabala ang taga media ng may malakas na bagyo na ang pangala'y ab'don (Abbadon) na sumira at hinagupit ang buong Luzon na sumira ng mariming establishimento at pumatay ng 2,708,609 katao. Maswerte na man dahil buhay pa ang pamilya ni Crispin. Nagpadala ng e-mail ang kanyang ina tungkol sa kanilang kalagayan sa nakalipas na ilang taon. Ang nakakatandang kapatid ni Crispin ay nalulung sa druga, at si Sisa namay nabaliw dahil ginahasa ng kanyang malupit na among lalaki at napatay ng kanyang among babae. Ang kanyang ama namay napatay sa baha dahil  sa pag-ligtas ng kanyang mga kapatid at ang ina niya ay nakapag-asawa ng iba. Kaya hiling kanyang ina na huwag nalang siyang umuwi dahil pupunta na ang kanyang ina sa ibang bansa dhail nakapag-asawa ito ng americano. Nang malaman ni Crispin ang nangyari ay umiyak siya ngunit hindi siya nawalan ng lakas na loob. Kinataggalan dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas ay na sayang pa rin ang pinag-aralan ni Crispin si koleheyo na Nursing dahil wala siyang napasokang trabaho. Hindi na siya pweding humingi ng tulong sa kanyang Tiya Victorina dahil magatal na itong pumanaw dahil sa tanandaan at sa sakit na high blood. Kaya naisipan siyang mag-abroad at mag trabaho sa isang constracsion site sa Oslo, noong 22 ng July 2010.
~ wakas ~

Laman ng Novela

Ang laman ng Novelang ito ay maaaring maging mukha o kahinat-an ng Pilipinas sa darating pang mga taon kundi natin pangalagaan ang kailkasan at ayusin ang pagpili ng mga bagong opesial ng bansa. Nais kung ihatid sa mga bumabasa na hindi lang ang malalaki ang may kayang sumira sa ating lipunan kundi tayon ding maliliit ng pasaway sa lipunan.
Sana'y maging inspirasyon itong novelang ito para sa ikina-uunlad ng bansa.

Para sa mga bumabasa

Ang novelang ito ay hindi panira sa isang tao o politiko. Ito ay isang likhang isip lamang na hango sa totoong pangyayari sa kasalukuyang panahon.

Salamat po sa mga nag bigay inspirasyon sa akin na mag sulat.