Wednesday, July 7, 2010

Hamon sa bagong Presidente




Pagod na akong makinig sa mga salita, ang ninanais ko ay gawa na tila hindi ko naman nakikita sa ating bansa.
Dumaan na tayo sa mga panloloko, Ngayon may bago na naman tayo.
Nagmamagaling magsalita mayroon bang magagawa? Susunod daw sa magulang o susunod sa gurang!
Manlolokong gobyerno pinagtatawanan lang tayo!

Wala akong pakiaalam kong sino ang matamaan, itong madhid kong katawan handa nang makipagpatayan.
Dadanak ang dugo ay hindi pa rin susuko, kahit bata lang ako alam ko’ng totoo.
Ngayon alam kong mali si Rizal kabataan daw pag-asa ng bayan, eh bat tinuru-an mag hasik sa karimlan.
Itong mga musmus na kabataan ano bang kinabukasan?
Habang nalalakad kasalobong koy limang taong adik, nagsisimhot ng Rugby.
Mata’y nanlilisik. Aking inagaw SUPOT niyang pinagdaramot, bigla lang patalim ang sa akin ay inabot.
Hindi ko inaasahan limang taong gulang, ang sa’kiy papatay na di na may walang paki-alam sa mundong gigalawan.
Tapos na ang pakikipag-laban na ngayon ay unti-unti nang na wawalan?
Mahal kong bayan sana akong mapakingan.
Tulong po!

"Hamon ko sa inyo"

No comments: