Thursday, October 27, 2011

Sarili nating laban

Ang aking kabataan nung ako'y nag-aaral pa!
Laging bukang bibig ang mga kabayanihang gawa nila.
Mga bayaning hindi takot magbuwis ng buhay para sa kanilang bayan.
Laging isinisigaw mahal kung inang bayan.

Dayuhang kalaban dala'y baril at canyon,
Ilang din taon tayong sinakop ng hapon.
Ngunit sa katapangan dala ng lukso ng dugo.
Bayaning pilipino lumaban ayaw sumuko.
Upang kapayapaang hanggad para sa kinabukasan.

Ilang decada na rin ang nakalipas.
matapos ang makasaysayang pakikipagbaklas.
Ay Pilipino'y hindi natoto, mas lumala pa tayo.
Dati'y pinag-mamalaki ngayo'y sarap ikahiya.
Bansang Pilipinas may sakit yata.

Sinong kalaban? dayuhan? Kastila?
Hindi tayong pilipino rin ang may sala.

Ilang buwan ng nabalita, ilang sondalo raw ang nadapa.
Bitag ng Pilipinong rebelde silay napahiya.
Ano daw ang sagot? sabi ng mga makata.
Peace Talk ulit sabi ng madla.

Oo nga may kabunulan din ang pinoy
mabuting kausap, trador din ang kwangol.
Ilang buhay pa ang sasayangin.
Mga sondalo'y tanga, hanggang ngayo'y nagbabantay pa rin sila.
Sana nga ang binabantayan ay kapayapaan,
eh! sa chiks pala na dumaan.

Tama na ang dada, tama na ang salita.
lusubin na natin ang kuta.
sabi daw nila pano ang buhay ng inosente?
Sila ba raw ay nadadamay tulad ng marami?

Siguro dapat gumising na tayo!
Walang inosente sa mga teroresta mga gago.
Lahat pag may pinapatay yan ba ang inisip?
Ulol hindi, sa inosente nga sila nag hihimagsik.

Mga kalabang Pilipino...Rebelde nga ba o Gobyerno..
At sa lahat ng makakabasa nito.
Sariling laban natin toh.
Dapat lumaban na tayo.
Mga Pilipino!!!



Mahal kong pangulo......................................................Dark_Vision

No comments: